Nagkasundo ang mga senador na panatilihing 'in contempt' at patuloy na idetine si dating former Customs commissioner Nicanor Faeldon. Pero sa halip na sa Senado siya ikulong, ipinalilipat na siya sa Pasay City Jail.
“The Senate unanimously declared that Mr. Faeldon, formerly of Customs, will remain charged with contempt, and he will now be remanded to the custody of the Pasay City Jail upon order of commitment by the Senate President and it was agreed upon unanimously,” sabi ni Sen. Richard Gordon, tagapangulo ng blue ribbon committee.
Ayon kay Gordon, nagpasya ang mga senador na ilipat ng piitan si Faeldon dahil sa kaniyang “asal” at “pagmamatigas" sa kapulungan.
“Ayaw niya humarap tapos ngayon sasabihin niya, ‘public official na’ko, harapan na’ko.’ Hindi pwede,” ayon kay Gordon.
Matapos ang ilang buwan na pagtanggi na humarap sa pagdinig, dumalo si Faeldon sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee nitong Lunes si Faeldon kaugnay sa umano'y katiwalian ng “tara” system sa ahensiya.
Gayunman, nagkaroon ng mainit na sagutan sina Faeldon at Gordon sa pagdinig.
Inakusahan ni Faeldon si Gordon ng "monologuing" at hindi umano layon na malaman talaga ang katotohanan.
Una rito, sinabi ng abogado ni Faeldon’ na si Atty. Jose DiƱo, na naghahain sila ng apela sa Korte Suprema sakaling ilipat ng piitan ang kaniyang kliyente.
No comments:
Post a Comment